Iloilo provincial gov’t, itinurn-over ang mga tent classroom sa ilang paaralan sa lalawigan na nasunog at kulang sa mga silid-aralan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinurn-over ng Pamahalaang Panlalawigan ng Iloilo ang tent classroom sa ilang paaralan sa lalawigan na nasunugan at kulang-kulang na mga silid-aralan.

Nasa 21 tent-type makeshift classrooms ang itinurn-over ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. sa tatlong pampublikong paaralan na nangangailangan ng agarang mga proyektong pang-imprastraktura.

Nasa 10 unit ang natanggap ng Alimodian National Comprehensive High School matapos ang kamakailang sunog, 9 na unit naman sa Ardemil National High School sa munisipalidad ng Ajuy na nakararanas ng kakulangan sa silid-aralan, at 2 unit sa Leonora S. Salapantan National High School Extension sa munisipalidad ng San Miguel na tumatanggap ng mga geographically isolated learners.

Bawat silid-aralan ay modular, at naaayon sa klima na may mga nakataas na kisame, thermal insulation, electric fan mounts, at mga probisyon ng ilaw.

Ang mga makeshift na silid-aralan ay isang inobasyon na binuo ng Provincial School Board (PSB) at pagpapasya pagkatapos ng mga konsultasyon, inspeksyon sa lugar, at pagpaplano na hango sa mga emergency tent na ginagamit ng Philippine Red Cross at UNICEF.

Bago i-tinurnover, isinailalim ito sa field test sa Iloilo Provincial Capitol grounds simula noong Pebrero upang masuri ang lakas nito laban sa hangin, ulan, at init.

Bukod sa magsisilbing tent classrooms, ang mga unit ay puwede ring gamitin bilang evacuation centers kung kinakailangan.

Ang inisyatiba ay bahagi ng Bulig Eskwela sang Probinsya (BES Probins) na nakaangkla sa pangako ng provincial government sa isang inclusive at resilient na edukasyon sa ilalim ng MoRProGRes Iloilo. | ulat ni Merianne Grace Ereñeta |  Radyo Pilipinas Iloilo

📸 Balita Halin sa Kapitolyo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us