Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inspeksyon ng 100-bed capacity General Hospital sa Lungsod ng Marawi bilang bahagi ng aktibidad ng pangulo ngayong araw sa Lungsod ng Marawi.
Matatandaan na nagbigay alokasyon din ang pamahalaan taong 2022 ng P44.38 milyon para sa karagdagang pondo para sa mga medical equipment at ambulance.

Ayon kay Dr. Ali Dalidig, City Health Officer ng Marawi, inaasahang magiging operational na ang ospital sa September 2025. Aniya, magbubukas din ito ng trabaho para sa medical at non-medical personnel.
Dagdag pa ni Dr. Dalidig, malaking tulong ang general hospital upang mabawasan ang mga pasyente sa Amai Pakpak Medical Center na laging punuan dahil sa iba’t ibang pasyente mula sa iba’t ibang bayan maging sa mga karatig lugar ng lalawigan ng Lanao del Sur. | ulat ni Johaniah Yusoph | RP Marawi