Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na epektibong maisasakatuparan ni PNP Chief Nicholas Torre ang mga adhikain ng administrasyon, para sa isang mapayapa at secure na lipunan.
Sa ikalawang podcast ng pangulo, binigyang diin nito na hindi sapat na bumaba lamang ang crime rate at tumataas ang volume ng illegal drugs na nasasabat ng pamahalaan.
Sabi ni Pangulong Marcos, mas mahalaga na ramdaman ng publiko ang ganap na seguridad sa kanilang komunidad.
Aniya, dapat komportable ang bawat Pilipino na maglakad sa gabi, at dapat na kumpiyansa ang mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak.
Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na agad nilang sinimulan ang programang Cops on the Beat sa ilalim ng pamumuno ng heneral, na layong palakasin ang police presence sa mga lansangan upang maibalik ang tiwala ng taombayan at masiguro ang kanilang kaligtasan.
“That’s the only way to regain the trust and that’s the only way people will feel safe. Kahit anong mangyari dito, si patrolman ganyan-ganyan nandyan lang yan. Isang tawag lang tatakbo na rito yan.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan