Isinusulong na kaayusan, seguridad ng pamahalaan, epektibong maipatutupad ni Gen. Torre — PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na epektibong maisasakatuparan ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicholas Torre ang mga adhikain ng administrasyon, para sa isang mapayapa at secure na lipunan.

Sa ikalawang podcast ng Pangulo, binigyang-diin nito na hindi sapat na bumaba lamang ang crime rate at tumataas ang volume ng illegal drugs na nasasabat ng pamahalaan.

Sinabi ni Pangulong Marcos, mas mahalaga na ramdaman ng publiko ang ganap na seguridad sa kanilang komunidad.

Aniya, dapat komportable ang bawat Pilipino na maglakad sa gabi, at dapat na kumpiyansa ang mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na agad nilang sinimulan ang programang Cops on the Beat sa ilalim ng pamumuno ng heneral, na layong palakasin ang Police presence sa mga lansangan upang maibalik ang tiwala ng taumbayan at masiguro ang kanilang kaligtasan.

“That’s the only way to regain the trust and that’s the only way people will feel safe. Kahit anong mangyari dito, si patrolman ganyan-ganyan nandyan lang yan. Isang tawag lang tatakbo na rito yan,” ani Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us