Hindi pipilitin ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte na personal na dumalo sa pagtalakay ng panukalang 2026 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Pero ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, dapat may representantes ang pangalawang pangulo sa na siyang magpipresenta ng budget ng OVP dahil kabilang ito sa kanilang tungkulin na ipaliwanag ang kanilang budget.
Gayunman, binigyang-diin ng kongresista na ang pagdalo ng bise presidente ay isang pagpapakita ng maturity at accountability bilang pinuno ng isang tanggapan na gumagamit ng pondo ng bayan.
Reaksiyon ito ni Adiong kasunod ng pahayag ni VP Sara na hindi tiyak ang kaniyang pagdalo dadalo sa budget deliberation para sa 2026 proposed national budget. | ulat ni Melany V. Reyes