Libreng Sakay ng OCD VIII, umabot na sa 241 trucks ang nasilbihan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa kabuuang 241 trucks ang nasilbihan ng Libreng Sakay program ng Regional Inter-Agency Coordination Center (RIACC) sa ilalim ng Office of Civil Defense (OCD) Region VIII mula nang ito’y ilunsad noong Hunyo 18, 2025.

Layunin ng programa na tugunan ang aberyang dulot ng ipinatupad na weight restrictions sa San Juanico Bridge, sa pamamagitan ng libreng Roll-On Roll-Off (RORO) services para sa mga truck na nagdadala ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, gamot, at gasolina sa rutang Tacloban–Amandayehan–Basey.

Sa tulong ng mga katuwang na ahensya gaya ng Traffic Operations Management, Enforcement, and Control Office (TOMECO) ng Tacloban Local Government, Joint Task Group Tacloban, Philippine Army, at 63rd Infantry Battalion, Philippine Army, matagumpay na naisagawa ang 16 na biyahe ng programa na nakapagsilbi na sa 215 cargo trucks at 26 fuel tankers hanggang alas-6 ng gabi ng Hunyo 24, 2025.

Lalo pang pinalawak ang operasyon ng Libreng Sakay, na ngayon ay bukas na 24/7 upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga suplay sa Samar at Leyte, ano man ang panahon. | ulat ni Penelope Pomida, Radyo Pilipinas Borongan

📸: Civil Defense Eastern Visayas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us