Ayon sa ulat ng DSWD Bicol, tumanggap na ng unang bugso ng Livelihood Assistance ang mga benepisyaryo mula sa San Andres, Catanduanes at Ligao City, Albay sa ilalim ng Pag-abot Program ng DSWD noong Hunyo 19- 20, 2025 .
Kasabay ng payout, sinamahan ng Pag-abot Team ang mga benepisyaryo sa pagbili ng mga pangunahing kagamitan para sa pagsisimula ng kanilang kabuhayan tulad ng hog-raising at rolling store.
Layon ng programa na hindi lamang tumulong kundi bigyang-kakayahan ang bawat isa na umunlad at magkaroon ng mas matatag na kabuhayan. | ulat ni Kristine Villanueva | RP1 Albay