May responsibilidad lalo na ang mga halal ng taumbayan sa pagpapakalat ng anomang impormasyon sa lipunan.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro kasunod ng pagpapakalat ng isang AI generated video na tumatalakay sa iba’t ibang malalaking usapin gaya ng impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Castro, bilang mga lider ay ipinapalagay ng bawat isa na ang bawat salita na binibitawan nila at isine-share na impormasyon sa taumbayan ay totoo kaya’t ang kaakibat nito ay responsibilidad.
Sa gitna nito’y inihayag ni Atty. Castro na hindi maituturing na lehitimo o illegitimate ang AI generated video na sinasabing ishinare ni Senador Ronaldo dela Rosa at Davao City Mayor Baste Duterte.| ulat ni Alvin Baltazar
Naipakalat na aniya ito ngayon, kaya ang magagawa ng ilang mga nagpakalat ay kilalanin na lamang na ang kanilang ipinasa na video ay hindi totoo at hindi tunay. | ulat ni Alvin Baltazar