Maynilad magsasagawa ng maintenance activities; ilang lugar sa Maynila at iba pang bahagi ng Metro Manila pansamantalang makararanas ng water interruption

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Maynilad Water Services sa mga customer nito sa ilang lugar sa Metro Manila kaugnay ng naka-iskedyul na maintenance activities sa darating na linggo, na maaaring magdulot ng pansamantalang water interruption sa ilang barangay.

Ayon sa Maynilad, isasagawa ang mga network maintenance at diagnostic leak localization mula Hunyo 23 hanggang Hunyo 30, 2025, sa mga piling lugar sa Caloocan, Manila, Malabon, Quezon City, at Valenzuela. Nakapaskil sa opisyal na Facebook page ng Maynilad ang listahan ng lahat ng apektadong barangay. Karaniwang isasagawa ang mga aktibidad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga upang mabawasan ang abala sa mga residente.

Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang nakatakdang maintenance. Tiniyak ng Maynilad na ang mga hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng water distribution system sa mga customer nito sa West Zone. | ulat ni EJ Lazaro
📸 Maynilad

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us