Isasama sa serbisyong iaalok sa 911 emergency hotline ang mental health helpline kung saan maaaring tumawag ang mga nangangailangan ng agarang tulong sa kalusugang pangkaisipan.
Ito ay para maiwasan ang mga insidente ng suicide gaya ng nangyari sa isang estudyante ng De La Salle University na natagpuang patay sa Naic, Cavite.

Mga miyembro ng Naic Police sa isang bakanteng lote sa Barangay Sapa, Naic, Cavite — kung saan natagpuan ang bangkay ng isang law student mula sa De La Salle University nitong Hunyo 21, 2025.📸 CAVITE PNP
Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na target na maging operational ang sistema sa pagitan ng ikalawang linggo ng Agosto hanggang unang linggo ng Setyembre.
Sa ngayon aniya ay itinakda na ang bidding para sa mga kagamitan at teknolohiyang kakailanganin para sa full integration ng mental health helpline sa 911 system.
Kabilang sa maaaring i-tawag sa 911 ay krimen, sunog, medical emergencies, mga kahina-hinalang aktibidad, pati na rin ang mental health concerns.
Dagdag pa ni Remulla, inaasahan nilang nasa 2% ng kabuuang 50,000 tawag kada buwan ang may kaugnayan sa mental health.| ulat ni Diane Lear