Mga estudyante at guro sa QC, sumailalim sa libreng check-up ng DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humigit-kumulang 500 estudyante at guro ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal mula sa Department of Health (DOH) ngayong araw, June 18, 2025.

Bahagi ito ng kampanya ng DOH, para matiyak ang kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro ngayong balik-eskwela na.

Tinutukan mismo ni Health Secretary Teodoro Herbosa, Department of Education (DepED) Secretary Sonny Angara, at QC Mayor Joy Belmonte ang ginawang libreng konsultasyon sa Esteban Abada Elem School.

Katuwang ang 1life na accredited-Konsulta service provider ng PhilHealth, kabilang sa mga serbisyong medikal na inialok ang pagsusuri ng vital signs, blood chemistry, chest X-ray, urinalysis, at ultrasound.

May libre ding mga gamot at vitamins para sa mga guro at estudyante.

Ayon kay Sec. Herbosa, kasama sa tinututukan ang problema ng non-communicable diseases at gayundin ang malnutrisyon sa mga kabataan.

Bukod naman sa libreng check-up, may PhilHealth registration booth din para sa mga hindi pa miyembro, nang masiguro ang kanilang access sa serbisyong pang-kalusugan sa hinaharap.

Pagtitiyak naman ng DOH, na magtutuloy-tuloy ang mga serbisyo para sa mga mag-aaral sa mga darating na buwan para masuportahan ang kanilang kalusugan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us