Umapela si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Nicolas Torre III sa mga pulis na tulungan siyang i-promote ang 911 hotline sa publiko.
Sa lingguhang flag raising ceremony sa Kampo Crame, inamin ni Torre na marami pa rin ang hindi naniniwala na gumagana ang 911 hotline.
Aniya, maganda ang “feedback” ng mga natulungan ng mga Pulis sa mga nakaaalam na, kaya’t kailangang mas maipalaganap pa ang pagiging epektibo nito upang maraming matulungan.
Iginiit pa ni Torre, na kailangang malaman ng publiko na huwag nang hanapin ang mga pulis sa kanilang presinto, dahil sila ay mahahanap na sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono.
Basta i-dial lamang ang 911, darating ang pulis sa loob ng limang minuto. | ulat ni Jaymark Dagala