📷 NIA Bicol
Pormal na isinagawa ng National Irrigation Administration (NIA) Bicol sa pangunguna ni NIA Administrator Engr. Eduardo Guillen ang groundbreaking ng kauna-unahang solar-powered irrigation project (SPIP) sa bayan ng Cawayan, Masbate.
Ayon sa NIA Bicol, nagkakahalaga ng ₱20 milyonang proyekto kung saan nakatakdang patubigan ang nasa 20 ektaryang taniman ng palay na mapapakinabangan ng 30 magsasaka. Kasabay nito, higit ₱50 milyong halaga ng mga natapos nang SPIP ang ipinamahagi rin sa mga bayan ng Dimasalang, Mandaon, Balud, at San Jacinto sa Ticao Island.

Binigyang-diin ni Engr. Guillen na ang paggamit ng solar energy ay hindi lamang nakakabawas sa gastos sa patubig, kundi sagot din sa hamon ng climate change.
Inanunsyo rin ng ahensya ang pagsisimula ng Lanang Multi-Purpose Dam Project na magsisilbing irigasyon, flood control, water supply, at hydro-power source para sa buong lalawigan. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP Albay