Matagumpay ang isinagawang operasyon kay dating Representative Arnie Teves sa Philippine General Hospital, ayon sa kanyang legal team.
Sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, sinabi nitong maayos na ang kondisyon ni Teves at kasalukuyang nagpapagaling.
Nagpasalamat din ang kampo nito kina UP Manila Chancellor Dr. Michael Tee at Dr. Marc Paul “Ancoy” Lopez sa agarang pag-aksyon sa umano’y seryosong kondisyon ni Teves.
Giit ng abogado, dapat magsilbing wake-up call ito sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP kaugnay ng mabagal umanong pagtugon sa mga medikal na emergency ng mga bilanggo.
Binatikos din niya ang aniya’y “illogical at luma nang patakaran” na hindi pumapayag sa mga detainee na makapili ng sariling ospital at doktor, kahit sila’y inaakalang inosente habang wala pang pinal na hatol.
Tinuligsa rin ng abogado ang umano’y mga maagang pahayag na nagsasabing “drama” lamang ang sitwasyon ni Teves.
Aniya, napatunayan ng operasyon na lehitimo ang iniindang sakit ng dating mambabatas. | ulat ni Lorenz Tanjoco