Oplan Balik-Eskwela 2025 sa QC, generally peaceful — QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging maayos sa kabuuan ang unang araw ng Balik-Eskwela 2025 sa Lungsod Quezon, ayon yan sa Quezon City Police District (QCPD).

Sa isang pahayag, sinabi ni Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge, Police Col. Randy Glenn Silvio na nasa 628 pulis ang nai-deploy sa 234 paaralan sa ilalim ng Ligtas Balik-Eskwela Program at nagtiyak ng seguridad ng mga mag-aaral.

Tumulong din ang mga pulis sa trapiko, at public safety support para sa mga eskwelahan sa buong lungsod.

Aabot rin sa 75 Police Assistance Desks (PADs) ang naitalaga sa school campuses sa pakikipag-ugnayan sa school officials at volunteer groups.

Ayon naman kay Col. Silvio, ang matagumpay na pagbubukas ng klase ngayong taon ay bunga ng maagang paghahanda, sapat na deployment ng mga tauhan, at matibay na koordinasyon sa mga paaralan at komunidad.

Makakaasa naman aniya ang mga magulang na ipagpapatuloy ng QCPD ang pinaigting na Police presence sa school zone para tiyakin ang isang ligtas na school year para sa mga mag-aaral.

“Ang QCPD ay kaisa ng pamunuan ng PNP sa pagpapatupad ng mga reporma at adhikain ng ating Chief PNP. Sa bawat presensya namin sa lansangan, kami ay nagseserbisyo nang mabilis, nagkakaisa, at may pananagutan sa taong-bayan,” ani Col. Silvio. | ulat ni Merry Ann Bastasa.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us