Matagumpay na naisagawa ng Anti-Red Tape Authority ang General Orientation sa Executive Order No. 32 at ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.
Dinaluhan ng mahigit 100 kinatawan mula sa iba’t ibang National Government Agencies , Independent Tower Companies , Mobile Network Operators, at iba pang private organization sector.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hulyo 4,2023 ang EO 32 na kilala bilang
“Streamlining the Permitting Process for the Construction of Telecommunications and Internet Infrastructure .
Pinatitibay ng EO 32 ang mga streamlined guidelines para sa pag-iisyu ng permits, licenses, at certificates may kaugnayan sa konstruksyon at pagsasaayos ng telecommunications at internet infrastructure sa buong bansa
Binibigyan ng mga mahahalagang kaalaman ang mga stakeholder sa bagong regulatory framework sa ilalim ng EO 32 at ng IRR nito.
Ayon sa ARTA, itinampok ang isang komprehensibong policy overview, kabilang ang isa-isang pagtalakay sa pinahintulutang proseso.
Gayundin, nagbibigay ng plataporma para sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at mga kalahok na pribadong sektor. | ulat ni Rey Ferrer