P20/kilo na bigas, sinimulan na sa Northern Mindanao; higit 3,000 manggagawa, unang nakinabang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang sinimulan ang pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa Northern Mindanao sa ilalim ng programang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na!” kung saan mahigit 3,000 minimum wage earners mula sa iba’t ibang unyon ng mga manggagawa sa rehiyon ang unang nakinabang.

Pinangunahan ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Regional Office X, katuwang ang National Food Authority (NFA) Region X, Department of Agriculture (DA) – Regional Field Office X, at Food Terminal Inc. (FTI).

Ayon kay DOLE-10 Regional Director Atty. Joffrey Suyao, mahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mamamayan upang matugunan ang mataas na presyo ng pagkain.

Tiniyak ni NFA-10 Assistant Regional Director Rejorie Onde ang kalidad ng bigas at sinabing ito ay mula sa mga lokal na magsasaka, alinsunod sa polisiya ng pamahalaan.

May nakaimbak na ring mahigit 400,000 sako ng palay at 60,000 sako ng well-milled rice sa mga bodega ng NFA sa Bukidnon, Lanao del Norte, at Misamis Oriental bilang buffer stock para sa programa at sa panahon ng kalamidad.

Nakatakda ring ilunsad sa Setyembre ang phase 3 ng naturang programa sa mga lugar sa rehiyon na may mataas na antas ng kahirapan.

Bahagi ito ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang bigas, lalo na para sa mga mahihinang sektor ng lipunan. | ulat ni Sharif Timhar | RP Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us