Inamin ni incomng 20th Congress Senator Tito Sotto na tuloy-tuloy pa rin ang usapan para sa posibleng pagpapalit ng liderato ng Senado.
Ayon kay Sotto, may mga kumakausap at nagtatanong sa kanya kung handa ba niyang pamunuan ang Senado sa susunod na kongreso.
Bukas naman aniya si Sotto kung gugustuhin ito ng mayorya ng mga senador.
Nilinaw din ng nagbabalik-senador na hindi siya nag-iikot at nanghihingi ng suporta ng mga senador na makakasama niya sa 20th Congress.
Nang matanong naman tungkol sa posibilidad ng pagsali sa majority o independent bloc sakaling hindi siya ang maging senate president.
Sinabi ni Sotto na titingnan muna niya kung sino ang mamumuno sa Senado saka siya magdedesisyon kung ano ang kanyang magiging susunod na hakbang. | ulat ni Nimfa Asuncion