Pakete ng hinihinalang cocaine, muling nadiskubre sa baybayin ng Calayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang pakete ng hinihinalang cocaine na nakabalot sa duct tape at scotch tape at may tatak na “COCA RACING” ang nadiskubre ng isang 30-taong gulang na mangingisda mula Barangay Dilam, Calayan.

Ayon sa PDEA, matapos itong iulat ng mangingisda sa Philippine Coast Guard, agad ding nai-turnover ito sa PDEA Region 2 kahapon, June 22.

Tinatayang isang kilo ang bigat ng naturang droga na may halagang P5.3 milyon.

Nakatakda namang isailalim sa chemical analysis ang naturang kargamento. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us