Pangulong Marcos, di pa nakikitang dapat na magpatupad ng mandatory repatriation sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkasa ang gobyerno ng mandatory repatriation para sa mga kababayan nating naipit sa giyera ng Israel at Iran.

Sa media interview kay Pangulong Marcos, sinabi nitong ipinauubaya nila ang pagpapasiya sa ating mga kababayan kung uuwi sila o mananatili sa Israel o Iran.

Ang ginagawa nila ngayon sabi ng Pangulo ay kino-contact ang ating mga kababayan sa dalawang nabanggit na bansa, at tinatanong kung nais nilang mag-evacuate.

Ang problema lang sabi ng Pangulo sa pag-evacuate ay maraming saradong paliparan, kaya’t naghahanap aniya ang gobyerno ng ruta kung paano mailalabas ang ating mga kababayan.

Sa ngayon ay papunta na aniya sa Jordan si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, upang mai-coordinate ang mga evacuee mula Israel at Iran. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us