Pinatututukan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang usapin sa education sector ng Pilipinas, kabilang na ang nasa 160, 000 na kakulangan sa silid-aralan sa bansa, at ang iniinda ng mga magulang at maga-aral, dahil sa K-12 program.
Sa ikalawang podcast ng Pangulo, ipinagtataka nito kung bakit hindi natugunan ng mga nagdaang administrasyon ang gap, o ang kakulangan ng bansa sa classroom.
“Kasi lately nahuhuli tayo. Pagbasa’t pinabayaan na lang. May classroom kami nakikita, Marcos type pa. Hindi na yan, 1970. Dapat ang classroom na yan 20-30 years lang ang lifetime. Dapat ayusin niyan after. Pero hanggang ngayon ginagamit pa. Pinabayaan talaga ang edukasyon. That’s what happened.” -Pangulong Marcos.
Nagpahayag rin ng pagka-dismaya si Pangulong Marcos, sa itinatakbo ng K-12 program, lalo’t batid aniya ng pamahalaan, na hindi natatanggap sa trabaho ang mga graduate nito.
Ito ay sa kabila ng karagdagang gastos at panahon, na iginugol ng mga maga-aral at mga magulang sa ilalim ng programa.
Sabi ng Pangulo, nasa Kongreso na kung ano ang kahihinatnan ng panukala para sa K-12 program.
Gayunpaman, habang wala pa aniya ito, patuloy na aayusin at pai-igtingin ng pamahalaan ang curriculum at ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan