Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsunog ng mga nakumpiskang illegal na droga sa Cutcut, Capas, Tarlac.
Ayon sa Pangulo, sinadya niya talagang tutukan ang sistema mula sa pagkakasamsam ng ipinagbabawal na gamot, sa testing hanggang sa mailagay na sa incinerator para wasakin ang bulto-bultong illegal drugs.
Sabi ng Pangulo, nais niyang makasiguro na walang maipupuslit na mga nasamsam na droga at matiyak na ito ay sisirain at hindi na maipakalat para maibenta.
Kumpiyansa naman ang Pangulo, na sa init na 700 degree celsius sa tinupok na mga drogang isinalang sa incinerator ay mawawasak na nito ang active ingredients ng ipinagbabawal na gamot na nasamsam kabilang na ang tinaguriang floating shabu.
Sampung oras aniya itong nakasalang, mag-aantay ng 12 oras para palamigin ang chamber at mai-check kung napulbos na talaga ang sunog na shabu. | ulat ni Alvin Baltazar