PBBM, nag-inspeksiyon sa nasunog na gusali ng San Francisco HS sa QC; DPWH, inatasang magsagawa ng plano para sa bagong gusali

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na tiningnan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pinsala ng Dao Building ng San Francisco High school sa Quezon City, na nasunog nitong nakaraang Linggo.

Sa pagtaya ng Pangulo, hindi na kakayanin pang makumpuni ang nasunog na gusali dahil nasakripisyo na din ang structural integrity nito.

Hindi na uubra ang reconstruction sabi ng Pangulo, kung hindi ang dapat nang gawin ay gibain ang nasunog na gusali na napag-alamang nasa 45 taon na ang edad, at magtayo na talaga ng bagong building.

Kaugnay nito ay inatasan ng Chief Executive ang Department of Public Works and Highways (DPWH), para magsagawa ng plano para sa pagtatayo ng bagong gusali, at gagawin na itong 4-storey mula sa dating dalawang palapag.

Pagkakataon na rin aniya ito sabi ng Pangulo, na mai-upgrade na ang 45 taong nasunog na gusali. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us