Ipinakita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang pagtutok sa edukasyon sa pamamagitan ng pag-inspeksyon sa Temporary Learning Spaces (TLS) sa Barangay Sagonsongan, Marawi City ngayong June 23, 2025.

Sa kanyang pagbisita, inikot ng Pangulo ang mga silid-aralan ng limang paaralang gumagamit ng TLS na kasalukuyang nagseserbisyo sa humigit-kumulang 720 mag-aaral.
Kasama sa inspeksiyon ang personal na donasyong Starlink internet unit ng Pangulo upang mabigyan ng maaasahang internet connection ang mga estudyante at guro.

Nagkaloob din siya ng tig-iisang unit ng Starlink para sa iba pang paaralan sa Marawi kabilang ang Bangon Elementary School, Bacarat National High School, Angoyao National High School, at Cabasaran Primary School.
Bilang dagdag na suporta, namahagi rin ang Office of the President (OP) ng mga school bag na may lamang mga gamit sa pag-aaral para sa lahat ng mag-aaral na naka-enrol sa TLS.
Ang TLS ay isang emergency education program na inilunsad matapos ang Marawi Siege noong 2017, bilang pansamantalang silid-aralan para sa mga lugar na nasira.
Inaasahang lilipat din ang mga mag-aaral kapag matapos ang paremeter fencing project ng Marawi Integrated School. | ulat ni Johaniah Yusoph | RP Marawi