Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa senior executives ng Kanadevia Corporation bilang bahagi ng working visit ng Chief Executive sa Japan.
Sa Facebook post ng Pangulo, sinabi niyang naging pokus ng pagpupulong ang patungkol sa waste-to-energy, kung saan nailatag ang proposed development para sa Smokey Mountain landfill site.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., target sanang ma-convert ang residual solid waste sa renewable energy.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na sa nasabing proyekto ay libo-libong tonelada ng basura ang gagawing malinis na enerhiya, na makatutulong upang mabawasan ang pagbaha, magbigay ng trabaho, at magkaroon ng mas malinis na komunidad. | ulat ni Alvin Baltazar