Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makikita ng mga Pilipino ang makabuluhan, konkreto, at tunay na mga pagbabago sa nalalabing tatlong taon ng kanyang panunungkulan.
Sa ikalawang bahagi ng kanyang podcast, sinabi ng Pangulo na sa lahat ng posisyong hinawakan niya sa pamahalaan, may sinusunod siyang gabay na nagsisilbing barometro ng kanyang pagiging epektibong tagapaglingkod sa bayan.
Pinakamasahol aniyang maituturing sa isang opisyal ng gobyerno ang mabigyan ng pagkakataong makapagsilbi ngunit walang pagbabagong naidulot.
Kaya’t giit ng Pangulo, hindi siya makapapayag at sisikapin niyang bago matapos ang kanyang termino sa 2028 ay mararamdaman at makikita ang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino. | ulat ni Alvin Baltazar