Nakapagsilbi na ng 372,179 benepisyaryo ang Project LAWA at BINHI mula sa mahigit 400 lungsod at munisipalidad sa 72 lalawigan.
Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Management Bureau Director Maria Isabel Lanada, ang programa ay umaayon sa food security mission ng Department of Agriculture (DA).
Pinasimulan ang Project LAWA at BINHI, noong 2023, na idinisenyo upang magpapatuloy ang agricultural productivity sa panahon ng tagtuyot at maging sa mga araw na may matinding pag-ulan.
Ang proyekto ay isa sa mga programa ng ahensya na nakatuon sa pagtugon sa epekto ng climate change sa vulnerable groups.
Batay sa pag-aaral, ang mga magsasaka, mangingisda at informal sector ang top 3 na lubhang naaapektuhan ng climate change.
Sa ilalim ng Project LAWA at BINHI, isang cash-for
-training/work ang ibinibigay para matulungan ang mga benepisyaryo sa isang komunidad na magkaroon ng pansamantalang trabaho.
Sinasanay din at binibigyan ng kaalaman ang mga benipisyaryo sa pakikibagay sa pagbabago ng klima. | ulat ni Rey Ferrer