QC LGU, patuloy sa paglilinis sa mga kanal at drainage sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para iwas baha tuwing malakas ang ulan, patuloy sa pag-iikot ang Quezon City District Action Offices at QC Engineering Department para magsagawa ng declogging operations sa mga kanal, creek, at drainage systems sa lungsod.

Layon nitong alisin ang bara at mga basura na kadalasang dahilan ng paglala ng baha.

Bukod sa mga kanal, agad na ring kinumpuni ng QC Local Government katuwang ang Manila Water ang nasirang sewer line sa Philcoa, Commonwealth na nagdulot ng matinding pagbaha at trapiko, kamakailan.

Kaugnay nito ang patuloy ring paalala sa mga residente na huwag basta magtapon ng basura sa kanal, estero, o ilog. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us