Reintegration program para sa mga displaced OFW mula Israel, pinasisiguro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino na mailatag na ng maayos ang reintegration program para sa mga overseas Filipino worker (OFW) at Overseas Filipinos (OFs) na magbabalik bansa bunsod ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Mahalaga aniya na mapaghandaan ito lalo at biglaan ang pagkaputol ng kanilang kabuhayan.

Kumpiyansa naman ang mambabatas sa kahandaan ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at ibang miyembro ng Inter-Agency Medical Assistance Repatriation Program (IMRAP) sa pag-alalay sa emotionally at psychologically-distressed OFs at OFWs.

Panawagan naman ni Magsino sa ating mga kababayan, na kung hindi kinakailangang manatili ay agarang makipag-ugnayan sa ating embahada at lumikas na para sa kanilang kaligtasan.

Sa mga kababayang nasa Israel, maaaring makipag-ugnayan sa embahada sa doon sa numerong: +972 54-4661188.

Habang ang mga nasa Iran, maaaring matawagan ang embahada sa Tehran sa numerong: +989122136801. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us