Nagbabala si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Nicolas Torre III sa mga Police commander na mabibigo o magmamatigas na sumunod sa direktiba niyang 5-minutes response time na may kalalagyan ang mga ito.
Inihayag ito ng PNP chief makaraang i-anunsyo nito ang pagsibak sa walong Chiefs of Police sa Metro Manila habang may tatlong Provincial directors pa mula sa Visayas ang nanganganib ding masibak dahil dito.
Ayon kay Torre, napakasimple lang naman ang direktiba niya sa mga pulis na bilisan ang pagresponde upang maiparamdam sa publiko na maaasahan sila sa panahon ng pangangailangan.
Mahigpit din aniya ang atas sa kanila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangang kagyat na naipaaabot ng Pulisya ang serbisyo nito sa taumbayan lalo na ang pagsupil sa krimen.
Kaya naman, sinabi ni Torre na lingguhan ang gagawing Simulation Exercise sa iba’t ibang tanggapan ng Pulisya sa buong bansa at sinumang mabibigo o magmamatigas na hindi sumunod ay aalisin sa puwesto. | ulat ni Jaymark Dagala