Special General Court Martial, binuo ng AFP para dinggin ang kaso ng pang-aabuso ng isang heneral sa 2 junior officer nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may binuo nang Special General Court Martial para dinggin ang kaso ng sekswal na pang-aabuso ng isang 2-star Air Force general laban sa dalawang Junior officer nito.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, kasabay ito ng paglilitis naman ng regular na hukuman batay sa kasong isinampa rito ng mga biktima.

Kasalukuyang naka-house arrest ang naturang opisyal na napaulat na nasa loob ng kaniyang quarters sa Basilio Fernandro Air Base sa Lipa City sa Batangas.

Tiniyak naman ni Padilla na makikipagtulungan ang AFP sa hukumang-sibil bilang bahagi ng kanilang pangako na paghahatid ng ganap na katarungan para sa mga biktima. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us