Taiwan, pinalawig ang visa-free entry para sa mga Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawig pa ng Taiwan ang visa-free entry para sa mga Pilipino hanggang Hulyo 31, 2026.

Ito ang inanunsyo ni Taiwanese Foreign Affairs Minister Lin Chia-Lung para sa extension ng visa-free entry para sa mga may hawak ng Philippine passport sa ginanap na pagtitipon kaugnay ng pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na pinangunahan ni MECO Chairperson Cheloy Velicaria-Garafil.

Ayon kay Minister Lin, ang hakbang ay bilang pakikiisa sa prinsipyo ng “reciprocity” o pagkakapantay-pantay ng pagtrato sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, inaasahan nilang darating din ang panahon na makakapaglakbay na rin ang mga Taiwanese sa Pilipinas nang walang visa.

Unang isinama ang Pilipinas sa pilot visa-free scheme ng Taiwan noong Nobyembre 2017, na nagpapahintulot sa mga Pilipino na manatili sa Taiwan nang hanggang 14 na araw nang walang visa. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us