Inanunsyo ng Quezon City LGU ang pagpapalawig sa walk-in enrollment sa mga City-Operated Child Development Centers (CDCs).
Alinsunod ito sa Department of Education (DepEd) Order No. 015, s. 2025, para mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming bata na makapagsimula ng maaga sa pormal na edukasyon.
Sa abiso ng LGU, extended ang enrollment hanggang sa Biyernes, June 20, 2025.

Sakop ng enrollment ang lahat ng batang QCitizen na isinilang mula November 1, 2020 hanggang October 31, 2022.
Para sa PRE-K2, kabilang ang mga isinilang mula November 1, 2020 hanggang October 31, 2021; habang para sa PRE-K1, kabilang ang mga isinilang mula November 1, 2021 hanggang October 31, 2022.
Pinapayuhan ang mga magulang na kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento at bisitahin ang pinakamalapit na CDC para sa enrollment. | ulat ni Merry Ann Bastasa
