Nakatakdang magpulong ngayong araw ang National Peace and Order Council (NPOC).
Ito’y para talakayin ang iba’t ibang usapin kabilang na ang Pambansang seguridad.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, inaasahan ding tatalakayin dito ang crime situation ng bansa gayundin ang paghahanda sa nalalapit sa halalan.
Nakatakdang dumalo sa pulong si PNP Chief PGen. Rommel Marbil, mga PNP-Police Regional Director at opisyal ng DILG. | ulat ni Jaymark Dagala