Muli na namang nagkaroon ng maliit na pagsabog ang Bulkang Taal sa Batangas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may naitalang maliit na phreatic eruption sa bulkan kaninang alas-11:25 ng umaga.
Nagdulot ito ng pagbuga ng puting usok sa bulkan na umabot sa 1,200 metro ang taas.
Sa 8 am bulletin ng PHIVOLCS, isa ring phreatic eruption ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24 oras at tumagal ito ng limang minuto.
Mayroon ding naitalang 26 na volcanic earthquake kabilang ang isang volcanic tremor.
Nananatili pa rin sa Alert level 1 ang Bulkang Taal. | ulat ni Merry Ann Bastasa