Nanawagan si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Civil Service Commission (CSC) na ipatupad ang batas na nagtatakda ng taunang pagkilalala at gantimpala, para sa mga natatanging opisyal at empleyado ng gobyerno alinsunod sa Republic Act 6713.
Sa confirmation hearing ng Commission on Appointment (CA) para sa ad interim appointment ni Marilyn Barua-Yap bilang Chairperson ng CSC, binigyan diin ni Villafuerte ang kahalagahan ng pagbibigay ng insentibo upang mahikayat ang mga kawani na maglingkod nang may dedikasyon.
Bukod sa taunang parangal na Lingkod ng bayan Awards, ayon sa mambabatas, tungkulin ng CSC na gawing sistematiko ang insentibo at pagkilalala sa mga kawani ng gobyerno.
Kahit simpleng pagkilala aniya ay malaking bagay na upang itaas ang kanilang morale.
Sa hearing ng CA, inamin ni Yap na sa 39 na taon sa paglilingkod sa gobyerno ay hindi pa siya nakatanggap ng anumang insentibo o gantimpala—bagay na nagpapakita ayon kay Villafuerte ng kakulangan ng pagpapatupad ng batas. | ulat ni Melany Valdoz Reyes