Nanindigan ang liderato ng Kamara na wala sa agenda ng kapulungan ang paghahain ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa inilabas na pahayag nina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker David Suarez, at Majority Leader Manuel Jose Dalipe, ang tanging focus ngayon ng Kamara ay maliwanagan sa paggamit ng confidential funds at ang posibleng iregularidad sa pamamahala nito.
“As we have repeatedly pointed out in media interviews, impeachment proceedings against Vice President Sara Duterte are not on our agenda. While we are committed to upholding transparency and accountability, the primary focus of the House committees concerned is on uncovering the truth behind the use of confidential funds and addressing any alleged irregularities linked to questionable businesses that reportedly emerged during the previous administration.” Saad nina Gonzales, Suarez, at Dalipe
Sabi pa nila, responsibilidad ng Kamara na alamin ang katotohanan para sa kapakanan ng publiko.
Gagampanan aniya nila ang kanilang mandato at hindi magpapa-apekto sa ingay politika.
“Our institution is duty-bound to serve as a check and balance while safeguarding public trust. The Filipino people deserve answers regarding these serious matters, and we aim to fulfill this responsibility without political distractions or divisiveness.” Dagdag nila.
Gayunman, kinikilala din aniya ng Kamara ang mandato nito na aksyunan ang anumang impeachment complaint na ihahain ng ordinaryong mamamayan laban sa mga impeachable officials.
Kaya sakali man na may maghain ng reklamo, salig sa panuntunan, obligado ang Kamara na talakayin ito sa patas, at transparent na pamamaraan.
“However, we also recognize that the House of Representatives has a constitutional duty to act on impeachment complaints filed by ordinary citizens against impeachable officials. This is not just the responsibility of the institution, but also the individual duty of each congressman to uphold the Constitution. Should an impeachment complaint be properly filed in accordance with the rules, the House is obligated to deliberate on it fairly and transparently, ensuring that the process adheres to the highest standards of justice.” Sabi pa ng House leaders.
Nangako naman ang liderato ng Malaking Kapulungan na nananatili silang nakatuon sa pagbibigay ng resulta at tugon para mapaganda ang pamumuhay ng bawat Pilipino.
“Let us work together to ensure that governance remains focused on what truly matters—delivering results and improving the lives of our people—while fulfilling all constitutional mandates with integrity and impartiality.” Saad sa kanilang opisyal na pahayag. | ulat ni Kathleen Forbes