Pangulong Marcos Jr., siniguro ang suporta sa local food, beverage manufacturers at producers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang walang patid na suporta ng pamahalaan sa local manufacturers at producers sa food and beverage (F&B) sector.

Sa inagurasyon ng Universal Robina Corporation (URC) flour milling plant sa Sariaya, Quezon, kinilala ng Pangulo ang papel ng kumpaniya sa pagsusulong ng socio-economic growth ng bansa.

Naka-ambag rin aniya ang URC sa pagpapaigting ng productivity, pagsuporta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs), at pagtitiyak ng food security sa Pilipinas.

“We reaffirm our unwavering support for local manufacturers and producers, especially in the vital food and beverage sector, as we look towards a more prosperous Bagong Pilipinas,” -Pangulong Marcos

Pangako ni Pangulong Marcos, mananatiling naka-suporta ang pamahalaan sa pribadong sektor, sa pamamagitan ng mga polisiya at kasunduan, kung saan kapwa makikinabang ang manufacturers at consumers. 

“We will continue to create a supportive environment for our partners in the private sector through laws and agreements that promote the interests of both manufacturers and consumers alike,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us