Memo na naglilinaw ng panuntunan ng POGO ban sa mga economic zone, ikinagalak ni Sen. Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome kay Senator Risa Hontiveros ang memo na inilabas ng Malacañang para mag draft ng guidelines ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) at ang Anti Money Laundering Council (AMLC) tungkol sa pagba-ban ng offshore gaming operations at services sa Cagayan Economic Zone at free port.

Ikinatuwa aniya ni Hontiveros ang pagtugon ng Office of the Executive Secretary sa kanyang panawagan, na klaruhin ang butas sa Executive Order (EO) no. 74 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Una na kasing sinabi ng senador, na tila nae-exempt ang mga economic zone tulad ng CEZA sa POGO ban.

Umaasa rin si Hontiveros, na maglalabas rin si ES Bersamin ng parehong memoranda sa mga licensed casino na tila patuloy na nagsasagawa ng offshore gaming operations.

Sa ilalim kasi aniya ng EO ng Malacañang, may probisyon na nagsasabing hindi sakop ng ban ang online games of chance na ginagawa sa mga PAGCOR-operated licensed casinos  o integrated resorts na may junket agreements.

Naipakita na aniya nila sa nakaraan nilang pagdinig kung paanong naipagpapatuloy ng mga kumpanyang gaya ng 9Dynasty ang kanilang iligal na aktibidad dahil sa exemption na ito.

Muli ring nanawagan ang senador sa Malacañang na suportahan na ang Anti POGO bill, para hindi lang nakadepende sa mga utos ng ehekutibo ang polisiya sa pagbabawal ng POGO operations sa pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us