Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa militar na huwag ma-distract o huwag magpaapekto sa ingay ng politika sa bansa, sa kasalukuyan.
“Let’s keep that mission clear in our mind,” -Pangulong Marcos.
Sa pagbisita ng pangulo sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, Quezon, sinabi ng pangulo sa harap ng Southern Luzon Command (SOLCOM) na mag-focus lamang sa paggampan ng kanilang misyon.
“Huwag kayong nalilinlang sa mga nangyayari. Let’s stay focused,” -Pangulong Marcos.
Inihalimbawa ng pangulo ang kaniyang sarili, na tuwing mayroong iniisip, tinatanong lamang niya ang kaniyang sarili kung anon ba ang kaniyang trabaho o tunay na misyon sa taon bayan.
At ito mismo ang kaniyang ginagawa.
“Ako, pagka maraming maingay na nangyayari, iniisip ko lagi na ano ba talaga trabaho ko? Trabaho ko ba’y makipag-away diyan? Trabaho ko ba makipagdebate diyan sa mga walang kwentang bagay? Hindi, ang trabaho ko ay pagandahin ang Pilipinas. Kayo naman, may mission din kayo,” – Pangulong Marcos.
Pagbibigay diin ng pangulo, iisa ang misyon ng lahat, at ito ay ang ipagtanggol ang sambayanan at ang Republika ng Pilipinas.
Kaugay nito, pinapurihan ng pangulo ang patuloy na pagtupad ng militar sa kanilang sinupaang tungkulin, kasabay ng paggagawad ng pagkilala sa mga sundalo ng SOLCOM para sa kanilang tagumpay sa anti-insurgency campaign at disaster response.
“First of all, I would like to congratulate the awardees. We have just given the gold crosses, silver crosses, and the bronze cross for their good work…I’m glad that we are performing. That recognition is because of your good work that you have done. So, congratulations for that,” – Pangulong Marcos.
Ilan lamang sa mga nakatanggap ng parangal ay sina:
1Lt. Billy Canacan at 2nd Lt. Green Marc Augusto ng Philippine Army (Gold Cross Meda); Maj. Bryann Oria at 1Lt. Merjorie Ballesteros (Silver Cross Medal), at TSgt. Noli Lomeda ng Philippine Air Force (Bronze Cross Medal awardee). | ulat ni Racquel Bayan