Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang presensya ng tatlong Chinese Maritime Scientific Research Vessels, malapit sa Exclusive Economic Zone (EZZ) ng bansa.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni Commodore Jay Tariella, tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea, namataan ang research vessels sa karagatan ng Cagayan, Davao Oriental, at Siargao Island.
Ito ang mga barkong may pangalan na Xiang Yang Hong 3, Jia Geng, at Xiang Yang Hong 10.
Namataan ang mga ito noong Nobyembre 14 sa 200 nautical miles mula sa Davao Oriental at Siargao Island.
Nasundaan pa ito noong Nobyembre 17 sa layong 257 nautical miles mula Hilagang Silangan ng Sta. Ana, Cagayan.
Ngayon umaga ng Sabado, namataan ang research vessels sa 211 nautical miles ng Silangan ng Siargao Island.
Sabi pa ni Commodore Tariella, wala pang malinaw na impormasyon kung ano ang pakay ng mga nasabing barko malapit sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer