Ilegal na pangangaso ng mga Philippine ducks sa Candaba, Pampanga, kinondena ng isang senadora

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng resolusyon si Senadora Pia Cayetano para mariing kondenahin ang ilegal na pangangaso ng Philippine ducks, na kilala rin bilang “Dumara”, sa Candaba Swamp sa Pampanga.

Sa Senate Resolution 1257 ng senadora, hinihiling sa naaangkop na kumite ng Senado na imbestigahan ang isyu.

Ginawa ni Cayetano ang hakbang matapos makatanggap ng mga ulat tungkol sa mga game hunters na ilegal na namamaril ng mga Dumara at nag-uupload ng mga video nito sa kanilang mga social media accounts.

Ang “Dumara,” isang endemic na uri ng pato na matatagpuan sa Candaba Swamp, ay nasa kategoryang “vulnerable” base sa International Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List.

Nasa isang hakbang na lang ito mula sa pagiging “endangered” o lubhang nanganganib na mawala.

Sa ilalim ng Republic Act 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act,” ipinagbabawal ang sinumang tao na sadyang magsamantala sa mga wildlife resources at tirahan ng mga ito, o pumatay o sumira ng mga wildlife species.

Ayon kay Cayetano, ang insidenteng ito ay nagpapakita ng tahasang paglabag sa batas at nagdudulot ng malaking banta sa biodiversity at ecological balance ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us