Nagsagawa ng final inspection ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) sa North Luzon Expressway (NLEx) connector sa bahagi ng Caloocan City.
Partikular na ininspeksyon ang EspaΓ±a segment ng NLEX Connector na ngayon ay 98 percent nang kumpleto.
Kasama sa nag-inspeksyon sina DOTr Secretary Jaime Bautista, DPWH Manuel M. Bonoan, NLEX Corporation President and General Manager Jose Luigi L. Bautista, at Metro Pacific Tollways Corporation President Rodrigo Franco.
Ayon kay Sec. Bautista, inaasahang makatutulong ang naturang kalsada para mapagaan ang trapiko sa Metro Manila partikular na sa CAMANAVA area.
“Very important ‘to sa ating mga mananakay. It will result to easing of traffic and because of that, magkakaroon ang mga mananakay ng mas time sa kanilang pamilya.”
Sinabi naman ni Sec. Bonoan, na target itong buksan sa March 27 para magamit agad sa paparating na holy week.
Kaugnay nito, pabibilisin na rin aniya ng DPWH ang konstruksyon sa ikalawang bahagi ng NLEX-SLEX connector road mula sa EspaΓ±a Boulevard patungong PUP Sta Mesa.
βWe are targeting to open the EspaΓ±a Section before Holy Week to help decongest vehicular traffic in Metro Manila especially to and from the Caloocan, Malabon, Navotas, and Valenzuela (Camanava) area,β Secretary Bonoan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
Photo: DOTr FB page