Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang pangako ng Philippine National Police (PNP) na paiiralin nito ang maximum tolerance sa pagkontrol sa mga protesta sa Lunes.
Kasabay ito ng ikalawang State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Umaasa naman ang CHR na mapapangatawanan ng mga law enforcer ang kanilang pangako.
Pinaalalahanan din ng CHR ang mga magpoprotesta na kilalanin ang Batas Pambansa Bilang 880 (BP 880), gaya ng pagkuha ng permit bago makapagsagawa ng aktibidad maliban kung isasagawa ito sa mga freedom park.
Magpapakalat naman ang CHR ng mga investigator at mga abogado, upang i-monitor ang mga pangyayari sa kasagsagan ng mga kilos-protesta. | ulat ni Diane Lear