Mga pamilyang apektado ng Bagyong Egay, mahigit 44,000 na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit sa 44,000 pamilya o lagpas sa 180,000 indibidwal ang apektado ng Super Typhoon Egay.

Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ngayong umaga kabilang sa mga rehiyong apektado ng super typhoon ay ang Region 1, 3, 5, 6, 8, 12, CALABARZON at MIMAROPA.

Sa bilang ng mga apektado, 2,324 na pamilya o halos 9,000 indibidwal ang kinakalinga sa 107 evacuation centers habang 472 pamilya o mahigit 2,000 indibidwal ang sumilong sa kanilang mga kamag-anak.

Isang indibidwal ang napaulat na nasawi at isa ang sugatan mula sa CALABARZON habang isa rin ang napaulat na nasaktan sa Region 6 na sumasailalim pa sa validation ng NDRRMC. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us