Pinatitiyak ng mga mababatas na maghigpit ang mga otoridad sa pagbabantay sa bagong modus ng mga scammer ngayong tapos na ang pagpaparehistro ng SIM Cards.
Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, dapat magpatupad ng crackdown ang mga otoridad sa mga lalabag sa SIM Registration law at Cybercrime Prevention Act upang matiyak ang kaligtasan ng bawat indibidwal mula sa mobile-based fraud.
Apela pa ng kinatawan sa public telecommunications entities (PTEs), Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) na magsagawa rin ng information drive upang mabalaan ang publiko sa mga bagong modus o uri ng panloloko ng mga sindikato.
Isa na rito ang pagbili o pagbebenta ng mga inirehistrong SIM at paggamit ng online messaging apps.
“The 19th Congress will certainly use its oversight functions to monitor the implementation of this new law, which was written by lawmakers last year in a bid to put an end to the proliferation of text scams, identity theft leading to unauthorized bank withdrawals, and other cellphone-based fraudulent activities that have plagued Filipinos in the then-absence of legislation for our law enforcers to effectively bust and prosecute scammers.” ani Villafuerte.
Mungkahi naman ni Manila Rep. Joel Chua na magtatag ng reporting system kung saan maaaring mabilis na maidulog ng publiko sakaling manakaw ang kanilang mga cellphone.
Dapat din aniyang mabilis ang akyon ng PTE na i-deactivate ang nanakaw na SIM upang hindi magamit sa panloloko
“Dati itinatapon lang ng snatcher ang SIM matapos nilang nakawin ang cellphone. Ngayon, iba na dahil may halaga na ang bawat SIM card at maaari nang ibenta ng magnanakaw ang SIM card sa mga sindikato ng online scammers na nangongolekta ng registered SIMs na magagamit sa scams. I urge telecom firms, police, and banks to have super easy ways for mobile phone owners to report their stolen units. The reporting system should be both online and in the real world. Deactivation of stolen SIMs should be immediate to prevent the use of the stolen SIMs and phones in scams and identity theft.” saad ni Chua. | ulat ni Kathleen Jean Forbes