Huling insidente ng pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa WPS, tinalakay ni DND Sec. Teodoro at US Defense Sec. Austin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinondena ni United States Secretary of Defense Lloyd Austin ang huling insidente ng pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y sa pag-uusap sa telepono ni Sec. Austin at Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kung saan kabilang sa mga tinalakay ang ginawang pagpigil ng Chinese Coast Guard sa resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal noong Agosto 5.

Kapwa nagpahayag ang dalawang kalihim ng kanilang commitment na itaguyod ang “rules based order” sa West Philippine Sea, kabilang ang pagsuporta sa karapatan ng Pilipinas na magsagawa ng “lawful maritime activities” alinsunod sa 2016 Arbitral Ruling.

Muli namang tiniyak ni Sec. Austin ang iron-clad commitment ng Estados Unidos na ipagtanggol ang Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty, sa pagkakataon na may pag-atake sa mga Philippine public vessels, aircraft, at armed forces, kabilang ang Coast Guard sa Pacific at West Philippine Sea. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us