LTO, planong gawing distribution areas ng unclaimed licensed plates ang ilang malls

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano na ng Land Transportation Office na gamitin ang mga mall bilang distribution point ng unclaimed licensed plates para mapabilis ang release nito.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II na malaki ang maitutulong nito sa distribution system para hindi ma-overwhelm ang mga district offices ng ahensya.

Maaari aniya na magpatupad ng appointment scheme upang matiyak ang maayos na distribusyon at pagpapalabas ng unclaimed licensed plates.

Bibigyan din ng tungkulin ang aniya’y “mystery applicants” para tiktikan ang ilang indibidwal na nanghihingi ng lagay para makuha lang ang license plates.

Nakatanggap kasi ng impormasyon ang LTO Chief na may humihingi ng P200 sa mga driver para makuha ang license plates nang hindi na pumipila.

Samantala, nais din ni Mendoza na majority ng transaksyon sa LTO ay gagawin nang online para makapagbigay ng mas mahusay at mabisang serbisyo sa publiko. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us