Post-harvest facilities sa mga probinsyang nagp-produce ng bigas, pinadaragdagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ngayon sa Kamara na bigyan ng sapat na post-harvest facilities sa mga tinuturing na ‘rice-producing provinces’ sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 7711 pagtutulungan ng Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Public Works and Highways (DPWH), at DTI ang pagpapatupad ng panukala oras na maisabatas.

Kabilang din dito ang pakikipag-ugnayan sa farmers’ cooperatives upang matukoy ang kinakailangang kagamitan at equipment.

Bibigyan naman ng 25 taon ang mga kooperatiba para i-amortize o bayaran ang pasilidad nang walang interes.

Kalaunan ay maaari na ring papasukin ang pribadong sektor para sa modernong storage technologies.

Umaasa ang mga mambabatas na sa pamamagitan ng pinaraming post-harvest facilities ay mapaparami din ang produksyon ng bigas at iba pang produktong agrikultural sa bansa.

Ayon sa pag-aaral ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (Philmech), ang kawalan ng post-harvest facility ay nagdudulot ng 10-50 percent na kabawasan sa production output ng mga magsasaka. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us