Ikinalugod ng Department of Finance ang naitalang 4.3% percent na paglago ng GDP ng bansa sa second quarter ng taon.
Dahil dito, dinala ang real GDP growth sa unang bahagi ng taon sa 5.3 percent.
Ayon sa DOF, halos lahat ng pangunahing sektor ng ekonomiya gaya ng agrikultura, industry at services sector ay naitala ang paglago.
Paliwanang ng kagawaran, ang paglago sa unang kalahati ng taon ay dahil sa mataas na employment rate, pagbawi ng turismo, pagtaas ang investment registrations at ang pagbabalik ng face-to-face classes.
Habang ang paglago naman sa ikalawang quarter ay bunsod ng moderate economic expansion dulot ng tourism-related spending at commercial investments, habang pinabagal naman ito ng mataas na presyo ng bilihin, epekto ng mataas na interest rate, pagliit ng government spending at mabagal na paglago ng global economy.
Tiwala naman si Finance Secretary Benjamin Diokno na makakamit ng Pilipinas ang 6-7% na growth target hanggang matapos ang taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes